Unang pag gawa ko ito ng blog. Hindi sana ito ang una ko isusulat pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari kanina ay naisip ko na gawin ito. So seat back and enjoy.
Natural lamang na maging kamukha ang isang tao ng kanyang mga magulang o isa sa mga ito. Pwede din sya maging kamukha ng kanyang mga lolo o lola. Minsan pa nga ay nagiging kamukha ng kapitbahay o ni kumpare (yari pag ganito. Bwahaha).
Maraming nagsasabi at ako ay naniniwala na kamukha ko ang tatay ko at minsan pa nga ay napapagkamalan kami na magkapatid lamang (fourth year highschool pa lang sya noong maging mag asawa sila ng nanay ko).
Pero madami sa mga nakasalamuha ko ang nagsasabi sa akin na meron ako kamukha na kakilala nila.
Noong ako ay nasa high school, sinabi sa akin ng isa naming kaklase na kamukha ko daw si Romnick Sarmienta. Bwahaha, alam ko tumatawa ka, kahit ako at ang mga ibang nakarinig ay nagtawanan din sa sinabi nya. Para sa akin, malayo ang itsura ko kay Romnick (pero yummy din ako katulad nya noong teen ager pa sya. Bwahaha!) Hindi nagtagal ay nagsuot na sya ng eye glasses kasi may pagkamalabo talaga ang mata niya. Bwahaha!
Noong ako ay nag kolehiyo, meron ako nakasama sa platoon namin sa ROTC (model platoon kami) at napapagkamalan kami na kambal o magkapatid. Natatandaan ko pa ang apelyido nya, Lagui, dahil ang mga kasama namin ay tinatawag ako minsan na Lagui at minsan naman ay tinatawag sya sa apelyido ko. Pag kami ay magkasama, kambal ang tawag sa amin ng mga kaplatoon namin.
Sa tambayan naman ng fraternity namin ay sinasabi ng mga nakikitambay na babae na kamukha ko daw si Diego Castro (I google nyo na lang kung hindi nyo kilala). Hindi ko dati alam ang itsura nya at humanap pa ako ng picture nya para malaman kung magkahawig nga kami. Meron konting similarities pero mas gwapo ako. Bwahaha!
Noong ako ay nagtatrabaho sa gawaan ng inidoro, lababo at iba pang bathroom fixtures, napapagkamalan naman ako na kapatid ng dating manager sa Finance dahil kamukha ko daw (na naman!!!). Pati daw ang kilos, porma at style sa pag inom ng kape ay pareho kami. Noong minsan na nakita ko sya noong ay napansin ko nga na meron din kami pagkakahawig pero konting konti lamang.
Akala ko ay doon na magtatapos ang mga pagsasabi na kesyo kamukha ko si ganito o si ganun pero nagkamali ako.
Wala pa akong isang buwan dito sa Riyadh pero may mga nagsabi na agad sa akin na meron ako kamukha. Una ay ang dalawa sa mga kasama ko dito sa company villa. May pagkakatulad daw ang mukha ko sa kapatid nung isa at silang dalawa ay nagsasabi na ito ay totoo. Sa ngayon ay wala pa ako masabi tungkol dito dahil kahit taga dito din sa villa ang sinasabing kamukha ko ay magkaiba naman kami pasok.
Kaninang umaga, pumunta ako sa Procurement section ng company na pinagtatrabahuhan ko at tama ang iyong hinala. May nagsabi na naman na meron akong kamukha. Ibang lahi sila at sinabi nila sa akin na “You look like the guy from Atlas Copco.”. Napangiti na lamang ako sa kanila dahil sabi ng isip ko, dami ko talaga kamukha at sigurado na gwapo din yun. Bwahaha!
Basta ang masasabi ko lamang, sa lahat ng sinabi ng iba na kamukha ko, mas malapit pa din ang pagkakahawig ko kay Mark Nelson. Bwahaha! Oooops, bawal kumontra. Makitawa ka na lang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento