Bukas ay isang buwan na ako na wala sa Pilipinas. Malungkot ang
buhay kapag malayo ka sa pamilya at mga kaibigan mo. Buti na lamang at meron ng
internet at cellphone ngayon. Pwede kayo mag usap sa skype, facebook, ym, tawag
sa cp, tru sms, at kung anu ano pa. Natatandaan ko dati, voice tape at sulat
ang kadalasang paraan ng pakikipagkomunikasyon namin sa tatay ko dahil hindi pa uso ang internet at
cellphone.
Madalas kong naaalala ang paghahatid sa akin ng aking mga
mahal sa buhay sa NAIA. Pilit kong itinatago sa kanila ang lungkot na aking
nadarama para kunwari ay buo ang loob ko. Bwahaha! Napeke ko sila dun. Dahil ang
totoo, may lungkot at takot ako nararamdaman. Pupunta ako sa isang bansa na iba
ang kultura kumpara sa aking kinagisnan. Iba ang kanilang salita, relihiyon,
pagkain at marami pang iba.
Pagdating namin sa Riyadh ay mabilis kami nakita ng sumundo
sa amin mula sa kumpanya na aking pagtatrabahuhan. Noong palabas na kami ng
airport ay meron kaming nadaanan na bilihan ng mga laruan at napatingin ako sa
mga Barbie. Hindi ko maiwasan ang aking pagluha dahil paborito itong laruan ng
anak naming ng asawa ko. Nilakasan ko ang aking loob at sinabi sa aking sarili
na “Kaya mo yan. Kaya ka magtatrabaho ay para sa kinabukasan nila.”
Mas magandang kinabukasan, yan ang dahilan kaya naisipan ko mag abroad. Marami din akong mga pangarap sa buhay. Ayokong maniwala sa mga pulitiko na kaya nilang tuparin ang mga pangarap ko. Bwahaha! Malapit na ang eleksyon, ingat kayo sa ganyang pangako.
Mas magandang kinabukasan, yan ang dahilan kaya naisipan ko mag abroad. Marami din akong mga pangarap sa buhay. Ayokong maniwala sa mga pulitiko na kaya nilang tuparin ang mga pangarap ko. Bwahaha! Malapit na ang eleksyon, ingat kayo sa ganyang pangako.
Gusto ko na pagdating ko ng kwarenta o kwarenta y singko
anyos ay hindi na ako nagtatrabaho sa isang kumpanya kundi ngnenegosyo na kahit
maliit lang. Gusto kong makita at makasama ang pamilya ko habang malakas pa ako.
Ayoko na kung kelan uugod ugod na ako ay tsaka ako titigil sa pangangamuhan
(oo, kahit nasa opisina ako, pangangamuhan pa din ang tawag dito).
May anim hanggang labing isang taon pa ako para tuparin ang
mga pangarap ko. Sana ay tulungan ako ng Diyos at suportahan ako ng aking pamilya
para maabot ko ang mga ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento