Bakit nga ba kelangan pa mangibang bansa ang karamihan sa
atin? . Mahirap ang mawalay sa mga mahal
sa buhay. Mahirap mamuhay na mag isa. Mahirap kalaban ang homesick.
Nang makausap ko ang ibang Filipino na kasama ko sa company
villa, naisip ko na mas mahirap pala ang kalagayan nila. Mas malaki pa ang
sweldo ko noong ako ay nasa Pilipinas kumpara sa sweldo nila (kasama na ang
overtime pay nila dun).
Bakit??? Pumasok sa
isip ko na mahirap maghanap ng permanenteng trabaho sa ating bansa. Karamihan
ay contractual lamang ang kanilang nakukuhang trabaho. Dito nga naman ay
dalawang taon sila na meron trabaho at pwede pa ituloy pagkatapos ng kontrata.
Tama nga ang mga Intsik sa Pinas, “Di baling konti kita basta dire diretso,
kesa malaki nga pero minsanan lang.
Sana dumating ang panahon na hindi na kailangan ni Juan na
mangibang bansa para lamang mabuhay ng ayos. Sana pag malaki na ang anak at
magiging anak naming ng asawa ko ay hindi na nila kailangan na mangibang bansa
para lamang makapagtrabaho ng ayos at kumita ng sapat para buhayin ang magiging
pamilya nila.
Sana…..