Madaming pagbabago sa buhay ko noong 2012, inumpisahan ko
ang taon kasama ang mga mahal ko sa buhay at nagtapos na hindi ko sila kasama
dahil ako ay nagpunta sa KSA para magtrabaho at mabigyan sila ng mas magandang
kinabukasan.
Naaalala ko tuloy noong namamasyal kami ng aking pamilya sa
SM Dasma. Mag tsa Chinese New Year noon at naka display ang mga hula ng mga
Intsik sa mga iba’t ibang taon base sa kanilang kalendaryo. Year of the Horse
ako at ang nakalagay doon ay “an unexpected opportunity to travel and work abroad,
do not let this pass”.
Naranasan din namin ng aking pamilya na makarating sa mga
lugar na hindi pa namin napupuntahan, ang Ilocos Norte. Madami kaming
pinasyalan doon, Kapurpurawan Rock Formation, Cape Bojeador o mas kilala sa
tawag na Burgos Lighthouse, Bangui Windmills, ang napakagandang Pagudpud Beach,
Burayoc Point at Laoag City.
![]() |
| Kami ng aking pamilya sa Bangui, Ilocos Norte |
Isang napakagandang regalo din ang ibinigay sa amin ng
paglalakbay na ito dahil nakabuo kami ng magiging pangalawang anak namin ng
asawa ko. Hehehe! Nabuo si Vladimir Dragon Slayer sa Northridge Resort na
pagmamay ari ng mabait na si Ate Cathy, kahit tru text lang at walang reservation
fee ay ipinagreserve nya kami ng room na overlooking sa dagat.
Balik tayo sa kwento kung bakit ako nakapag abroad, medyo
hindi na ako masaya sa dati kong trabaho at naisipan ko na biglang magresign
noong July 11, isang araw matapos ang kaarawan ng misis ko, napakagandang
regalo sa kanya. Hehehe! Wala pa akong lilipatan noon at sinuwerte naman na
wala pang isang lingo (dalawang araw sa
totoong buhay kasi natanggap agad ako sa inapplyan ko noong July 12, bandang
4:30 pm matapos ang halos isang oras na skype interview na naganap sa isang
computer shop sa Waltermart Manggahan).
Isang singit lamang, marami sa mga dati kong kaopisina ang lagging
nagsasabi na magreresign na sila pero hanggang nagyon ay andun pa din, siguro
sinasabi pa din nila na magreresign na sila. Bwahaha! Hindi kailangan na
sinasabi pa sa iba ang pagreresign, ito ay dapat ginagawa kasi ito ay action
word. (Next time, gagawan ko ng blog ang pagreresign, hehehe!)
August 15 ang last day ko sa dating kompanya na aking
pinaglingkuran, madaming maganda at hindi magandang karanasan pero ang lahat ng
iyon ay magiging gabay ko sa ikabubuti ko. Naalala ko na naman ang isang kasama
na nakadalawang beses akong nagpaalam pero hindi man lang ako pinansin.
Bwahaha! Badtrip pa din hanggang ngayon.
August 20, isang mauling despedida kasama ang mga dati kong pinaglingkuran
bilang kanilang supervisor. May mga hindi nakarating dahil malakas ang ulan
pero madami pa din ang nagtiyaga sa putikan sa Picnic Grove Tagaytay.
![]() |
| Mga dati kong kasama sa opisina kasama ang aking mag ina. |
Matagal akong nag ayos ng mga papeles ko dahil wala akong
school records, nakasama kasi ito sa pagkasunog ng bahay namin dati. Nakakainip
ang walang trabaho. October 3 ng ako ay nakaalis
ng bansa. Malungkot pero kailangang tiisin. Malaki naman ang reward hehehe!
![]() |
| Sa Riyadh kasama ang mga dating katrabaho na ngayon ay andito din at 2 extras |
Tatlong buwan na ako ngayon dito. Medyo marunong na akong magtennis. Nakadanas na ako ng 6
degrees na lamig. Naranasan ko na din ang magdiwang ng kaarawan, magpasko at
magbagong taon dito sa Saudi. Lahat ay titiisin para sa mga mahal sa buhay.
Yan ang aking 2012.
Yan ang aking 2012.



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento